Sunday, August 19, 2012

Pagmulat

Napatingin ako sa orasan, umaga na pala.
Sumulyap sa paningin ko ang kakaunting liwanag na nagmula sa bintana,
Umupo at panandaliang nanalangin para sa bagong umaga,
Binasa ang kwaderno na pinag sulatan ng aking nararamdaman sayo.
Napaisip kung makikita pa muli ang mukha mong maamo at puno ng gana.
Tinatamad pang bumangon, bumalik na lamang sa paghiga.
Sa aking pag tanday sa aking unan, katawan mo ang nais mayapos.
Sinimulan ang pangangarap ng kasama ka.
Sa ilalim ng kumot ko na may burda pa ng pangalan mo,
Ngunit, naalala ko, na may mahal ka na palang iba.