Sunday, April 8, 2012

Tipsy D

ang pag-ibig sakanya hindi biro, :) ♥ (for real)
ito yung tipo ng lalake, babae’y di nilalaro,
maayos na tao, palibhasa napalaki ng mahusay ng guro, (parents, kailangan magkatunog ee)
mabait na kaibigan, panigurado wala kang itatago.

mabisyo mang bata, pero buo parin ang puso,
tipo ng tao na di madaling sumuko,
maayos makisama at hindi maluho,
isa mga rapper na hindi sumusunod sa uso.

batang makata na malupit bumanat,
bago sa fliptop pero kagad umangat,
parang BLKD at LOONIE, susunod na sisikat,
ito yung bata na napahanga ng todo lahat.

payat pero lahat ng kataga mabigat,
pag ito kalaban mo, para mong hinarang ang kidlat,
kahit tipsy, buong buo ang banat,
sa payabong na lyrisismo, panigurado isa to sa ugat.

No comments:

Post a Comment