Nakita ko sila, dun sa ilalim ng puno ng acacia, Ika-14 ng pebrero noon, Maraming tao ang katulad nila, Mag kaakbay, ang labi nila’y lumalapat sa labi ng bawa’t isa, Walang pakeelam ang iba, ngunit tama ba sila?
Mga haplos at yakap na puno ng kasalanan, na nagmulat ng aking munting kamusmusan, nag iba ang tingin sa mundong ginagalawan, may mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Hindi ko lubos mawari ang aking nakita, labing lima lang ang edad ay ganoon na sila, ito ba ay dala ng malamig na simoy ni Pebrero, o handog ng ating mundo na unti unti pang nag babago patungo sa mas modernong anyo.
Sa pag daan ng oras sa aking pag tanglaw sakanila, hindi ko parin malaman kung ano ba ang katunayan nila, na sila daw ay tunay nag mamahalan talaga, ano ba ang nalalaman ng labing limang taong gulang na bata?
Ang dilim ay kumalat sa kapaligiran, mag kahawak kamay patungo sa simbahan, nung una ay magulo at hindi ko maintindihan, nalaman ko nalang na hindi sa edad nakikita ang pag-iibigan.
No comments:
Post a Comment