Thursday, January 6, 2011

"Daing"

Sabi ika'y makata, yun pala'y pirata

gaya-gayang bata, wala namang panama

puro salita, kulang sa gawa

basura ka lang naman, puro ka hilata

anino ng dayuhan, iyong hinahagkan

Pilipino ka ba tsong? sa iyong ginagawa

kaya tayo'y mahirap, ibang bansa ang kayakap

subukan mo kayang bandera mo naman ang iwagayway sa ulap

isang kahid' isang tuka, pamantayan ng bansa

hindi ka ba nag sasawa, sa bulok na sistema !

ikaw na mismo ang gumalaw, nang sila'y matauhan

simulan mo totoy, pag babagong inaasam !

tunay na makata !

isang buhay na alamat, na marunong makidama

walang takot mag salita, makasakit man ng iba

inialay ang buhay, sa pag susulat at pag sasalita

hindi kasiyahan ang dala, kundi solido na tula

maraming tumitingala, hindi man sila kilala

akala mo'y tao lang,  kaluluwa naman ay bathala

 bawat salita na binibigkas, isang puso ang katumbas

wag basta pakinggan, wala ka dyang mahahagkan

subukan buksan ang isipan, nang makita ang tunay na liham

liroko'y minsan hindi kagandahan, pero totoo ang nilalaman...

Kasalanan Mo din !

may nakaupo pa, may nangangampanya na.
ano ba namang bansa to, masyado ng nakakaloko.
pinag papasahan, nang bawat angkan.
ang bawat trono, sa ating gobyerno.
hindi ba nag sasawa? sila'y nag kahawa-hawa.
kala mo may mga sakit, mga hapit na hapit.
mga pasikat lang naman, at purong impaktong gahaman.
walang lilipas na araw, na walang nag rereklamong uhaw.
palibhasa'y kayo rin ay may kasalanan, binenta ang boto sa halagang limang daang piso.
kayo lamang ay nag bulag-bulagan, palibhasay mga silaw sa perang kanilang tahan-tahan.
ngayon kayo'y puro reklamo, anong nangyari s ainyong boto??

it makes a better view !!

In every step, you are there.
but you're just starring, are you afraid my friend?
you don't have to say a word, or do a thing.
just make it count by listening.
step by step, we will reach our goals.
with dignity and respect, and without abusing others.
loyalty with our own flag, even if with the help of foreigners.
look beyond what you see, it will make a better view you'll see !!

buhay na impyerno !

 tumingin ako sa likod, corrupt ang nakita ko.
 nag lakad ako sa harap, isang taong demonyo.
 naupo sa tabi, impaktong pulitoko.
 ano ba namang bansa to, kahit saan may sagabal sa pag galaw ko !
 humiga sa kama, mura naman ni inay.
 nag rereklamo, tungkol sa mataas na tinapay.
 nakinig ng balita, may kaaway na naman si Dcoy.
 kinakalaban ang kanyang kapwa pinoy.
 ano bang problema ng bansa kong mahal?
 hindi naman talaga mahirap, bakit lahat nag mamahal?
 gumising ka kapatid, at ika'y umagapay.
 sa iyong kapwa, nag hihingalo ng walang humpay !