isang buhay na alamat, na marunong makidama
walang takot mag salita, makasakit man ng iba
inialay ang buhay, sa pag susulat at pag sasalita
hindi kasiyahan ang dala, kundi solido na tula
maraming tumitingala, hindi man sila kilala
akala mo'y tao lang, kaluluwa naman ay bathala
bawat salita na binibigkas, isang puso ang katumbas
wag basta pakinggan, wala ka dyang mahahagkan
subukan buksan ang isipan, nang makita ang tunay na liham
liroko'y minsan hindi kagandahan, pero totoo ang nilalaman...
No comments:
Post a Comment