Friday, May 3, 2013

katiwalian ni INA.

sa aking nakita mata ko’y napaluha,
hindi lubos inakala na ika’y katulad rin nila,
tatlong limang daang piso katumbas ng madaliang proseso,
yung iba’y tatlong linggo na, di parin naaasikaso.

hindi mo na nga itinanggi,
dinamay mo pa kasamahan at si kapitan,
minsan hiya hiya rin naman,
wala ka bang paninindigan?

nakita ko ang nakita ko,
narinig ko ang narinig ko,
hindi tikom ang bibig ko
sapagkat mahal ko ang bansa ko,

siguro nga’y mabait kang ina, pero di ka tapat na Pilipino,
ang paglilikod sa kapwa ay hindi ang forte mo,
gusto mo’y kapatawaran dahil tingin mo’y ika’y nasiraan,
ang alam ko kasi “ang sorry binibigay sa taong nagawan ng kasalanan, hindi sa taong gumawa ng katiwalian”

kailangan ko ang mga oras na ito para maka-graduate ng kolehiyo,
pero sa hinahangad mo parehas tayong mabibigo,
ako’y kabataang Pilipino at ako ang kinabukasan ng bansa ko,
at nga pala ako’y hindi kailanman masisilaw ng asawa mo.

No comments:

Post a Comment