Wednesday, June 25, 2014

Happy Birthday Bespren

ang pangalan niya ay GINO,
mabait, weirdo, at matalino,
asawa niya si kayne, anak niya si clay-clay,
kaibigan niya ako, pati narin si Enrique miles.

nakilala ko siya dun sa kubo ng mga makata,
mahilig kumanta, mag gitara, at mag patawa,
tatlo kami nung una, medyo nag kakahiyaan pa,
sa sumunod na linggo dumagdag si Marc Bicada.

kumain kami ng pizza, dun sa SM pala pala,
nabuo ang E1, ang pang habang buhay kong tropa,
dumagdag si otep, si bruce at si sher na ogre,
ang weird ng mga pangyayari, pati narin yung mga babae :(

at sa buwan at araw na hulyo uno,
nabuo ang bandang kapangalan ko,
ang mga weirdo ko na tropa, tumugtog sa taas ng intablado,
BILOG na bumuo ng samahan na ito sana kailanma’y di ka mag bago

si Gino ang bilog kong katukayo,
ay minsa’y pinasaya akong totoo,
at sa araw na ito gusto kong malaman niyo,
mahal ko yang kaibigan ko at kailanman hindi ipagkakalulo.

sa panahon ngayon mahirap na humanap ng katulad mo,
para kang planetang may buhay sa labas ng mundo,
lagi mo tandaan, maraming tao ang mawawala sayo,
pero ako, pakatandaan mo, mananatili hanggang magunaw ang buong kalawakan na ginagalawan mo.

No comments:

Post a Comment