Wednesday, June 25, 2014

Walang Katumbas

gumising ng magkasama sa bukang liwayway ng umaga,
sa init ng yakap at tamis ng halik na walang kagaya,
sa bawat pag kilos, ikaw ang sanhi at ninanais na makuha,
sa puso kong ito, ikaw lang habang buhay na sinisinta.

sa haplos mo’y napapawi ang takot at pangamba,
na baka bukas wala ng saysay ang buhay at sawi na ang ligaya,
ikaw ang tanging dahilan ng ngiting puno ng pagasa, Na ang bukas ay liliwanag sa atin ng mapayapa,

ni minsa’y di mapapaisip kung bakit ikaw ang ninais na makamtan, ang piniling pagsakripisyuhan ng puso’t kayamanan, dahil sa totoo lamang ikaw ang nag pukaw sa puso at isip na tunay na kaligayahan, mas naging matagumpay, maayos, at mabuti ang aking kinabukasan.

sa bawat pag tatalo, luha’t pighati ang naiiwang bakas, ang sakit na naidulot, sa isip ay di kukupas, ngunit kailanman hindi magsasawa na hagkan ang lunas, yun ang pag mamahal natin sa isa’t isa na walang katumbas.

Dec. 10’13

No comments:

Post a Comment