Narinig ko lang sa kanto, akala ko kung sino na.
ako'y naging interesado, hanggang sa nainlove sakanya.
sa ganda ng tono, at tindi ng kanyang lyriko.
isang buhay na makata, ang taong hinahangaan ko.
Halos mabutas ang lalamunan, masabayan lang sa pag awit.
dahil sa diin ng mga salita, puso ko'y nakawit.
handa akong madawit sa gulo at galit
na magmumula sa mga taong sakanya'y hapit
Isa, dalawa, tatlo, andiyan na ang idolo ko
ang pangalan niya ay Loonie at siya ay totoong tao
marami man nakasampang kaso at galit sakanyang tao
wala akong pakeelam sa sasabihin ng mga gago
Di papantay si Dello sakanyang pag ra-rap
di maaabot ni Badang inaasam nya na pangarap
kahit sa malutong na mura ni Batas di siya mapapabagsak
dahil itong Idol ko parang si Gloc kung bumanat
sa lyriko at diskarte, siya ay angat
maamo kung minsan pero mas madalas mangagat
siya yung tipo ng tao na di kailangan mag ingat
dahil matigas pa sa platinum, di tatablan ng sugat
----------> sorry sa bad words :)♥
No comments:
Post a Comment