Nung bata pa ako gusto ko yumaman, ngayong dalaga na ako gusto ko yumabang.
si kuya, si ate, si nanay, at si tatay ang hawak ay nakakamanghang mga bagay.
ano na bang nangyare sa bansa kong mahal? pera nalang ang di kumakapal.
pati ba naman upuan pinag-aagawan, dahil yan sa impluwensiya ng dayuhan.
Alas otso palang ng umaga, ako'y tunay ng naiirita.
sa pag pasok sa eskwela KPOP at I-phone ang hangad ni paula.
napatingin nalang sa ibaba at ako'y nabigla
bakit ang watawat KO'y umabot na sa lupa?
Sumilip sa bintana hawak niya'y Starbucks, yung librong hawak ko sarap sakanyang ihampas
dalawang daang piso para lang sa panghimagas, sigurado yung utak niya puro gasgas
paglabas ng unibersidad, ingay ng welga ang bungad
tumaas nanaman ang tution, mga estudyante'y kinumbulsyon
Natawa kay manang na pulubi may pambili ng hope na mentol
dapat sa mga taong ito kamatayan ang ihatol
mahirap nanga't dukha gusto pang kumahol
buti nalang napalaki ng maayos, ako'y di papatol
Pagsakay sa jeep, kulang daw aking pamasahe.
tang ina lang THAT, tumaas na naman pasahe.
naglakad nalang pauwi, umulan pa ng malakas.
ano bang naging mali at watawat ay kumupas.
-------------> sorry sa bad words.
No comments:
Post a Comment