Wednesday, March 28, 2012

noynoying? tsk.

Pambabastos sa pangulo, di dapat palampasin,
ano bang gusto niyo? sarili kanya'y kitilin?
tang ina lang THIS, sumuporta nalang tayo PLEASE?
karamihan naman talaga kasi ay siya ang ninais.

Oo, mali na pagdiskitahan si Corona, pero malay naman natin kung talagang may mali siya.
ma-impeach  o hindi, atleast may mapapatunayan diba?
mga tao sa bansa na'to kala mo preso kung makapiglas.
maling gawa ng pinuno, kaagad i-bro-broadcast.

Ang sabi pa nung iba bobo at mongoloid din siya.
magiging pangulo ba yan kung walang kapasidad diba?
kinuha lang daw sa magulang popularidad at magandang imahe niya.
pero sa tingin ko naman mabuting tao din siya.

totoo na bansa ko'y demokratiko at maka-diyos.
hindi porket kayo ang BOSS, eh siya'y inyong igagapos.
sa mapanlinlang na imahe at mapang-lait na salita niyo.
ito lang ang masasabe ko, di uunlad ang bansang ito kung di niyo matututunan ang salitang RESPETO.

No comments:

Post a Comment